PISO Fund Program Featured in People's Tonite
Octobe 10, 2006
Maging Milyonaryo sa P.I.S.O. Fund ng First County Group
Malaki ang pakinabang ng beinte pesos. Sa beinte peso araw-araw na pag-iimpok sa P.I.S.O. Fund, magiging milyonaryo ka, may insurance ka at ang pamilya mo, may kita pa kung na-confine ka sa ospital at makakalaya na sa “5-6”.
Ang P.I.S.O. Fund o Pilipino Industrial Savers’ Operation Fund ay proyekto ng First Country Group of Companies na may fixed-value funds company, bangko, loan cooperative. Ang layunin nito ay makatulong sa mga ordinaryong Pilipino na regular na mag-impok, mabigyan ng proteksyon at pagkakataong makautang na mababa ang interest.
Marami na ang nakinabang dito. Mayroong ilang buwan pa lamang na miyembro na nabigyan na ng insurance benefiting P50,000 o higit pa sa pamamagitan ng Sun Life of Canada. Isa rito ay biktima ng Wowowee stampede sa Ultra.
Maganda ang programa. Marami ring ibang produkto ang mga kumpanya na miyembro ng First Country Group gaya ng food supplements, towing services at hospitalization benefits. Sa taon pa lang na ito, ay nanominado ang First Country Group sa mga sumusunod na parangal: “The Global Excellence Awards”, “Agora Excellence Awards”, “Best Brands in the Philippines Awards”, “Asian Institute of Marketing Entrepreneurship”, “Philippine Marketing Excellence Awards Institute”, at ang “National Shoppers Choice Awards”.
|